Kasalukuyan po tayong nahaharap sa isang problema. Para sa ‘kin, kailangan nating suriin kung saan hahantong ang mga pwedeng pagpilian. Pero bago natin magagawa ‘to, kailangang pag-usapan muna natin ang mga sumusunod:
Ang Layunin ng Patimpalak
Ayon sa www.pinoyblogosphere.com/wika2007/…“The Wika2007 Blog Writing Contest is a group writing effort aiming to trumpet the beauty and strength of the Filipino Language in line with this year’s Buwan ng Wika theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansaâ€(Free translation: “A gift of tongues for a strong nationâ€). With the significance of the Internet in shaping the culture today, blogging about the Language will not only enforce the online Filipinos’ love for their native tongue, but also promote it to bloggers around the world.â€
Sa madaling salita, sa pamamagitan ng pag-submit ng blog na may temang Maraming Wika, Matatag na Bansa, makapag-bibigay ng kanya-kanyang opinyon at punto ang mga bloggers tungkol sa Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas. Kung sino man ang nakaisip ng pakontes na ‘to na may ganitong layunin ay dapat nating pasalamatan at bigyan ng credit. Alam naman nating ang mundo ng blog ay buhay na buhay at punong-puno ng mga sariwang opinyon at alternatibong ideya. Mga opinyon at ideyang hindi mo mababasa sa mga dyaryo o kung ano pang media na may mga pinangangalagaang interes paminsan.
Kaya nga kung titingnan mo ang mga rules ng pakontes, blangko ito dahil ganyan talaga ang blog. Walang limitasyon. Walang depinisyon. Ang tanging tuntunin lamang ay sundin ang standard netiquette at walang kabastusan.
Ang Tungkulin ng Isang Blogger
Kahit na sinasabing walang limitasyon ang pagsulat ng blog, may mga tungkulin pa ring dapat gampanan ang isang blogger. Lalo na kung iisipin natin na kadalasang bukas sa mata ng publiko ang mga sinusulat sa blog. Masasabing sa pagsali ng isang blog-writing contest, may mga automatic na tungkulin na kailangang sundin ang isang participant. Simple lang naman ang mga ito. Tulad ng:
1.) Pag-bigay ng mga makatotohanang impormasyon.
2.) Pag-sunod sa tema ng contest - Alam naman nating walang limitasyon ang mga pwedeng isulat sa isang blog entry, pero dahil nga may tema, dapat nasaayos ang mga ideya natin.
Ang Layunin ng Pagkakaroon ng Poll-Judging
Usong-uso ngayon ang poll-judging lalo na sa mga napapanood nating mga reality at talent show. Tulad nga ng parating sinasabi ni Ryan Seacrest, “Vote as many times as you can.†Talaga namang nakakadala ang ganitong uso. Kaya nga hindi nakakapagtakang pati ang blog-writing contest na Wika2007 ay may 50% na poll-judging component din.
Kadalasan nga lang sa mga poll-judging, pre-screened na ng mga judges ang mga participants o finalists bago bigyan ng pagkakataon ang publiko na humatol. Kumbaga sa American Idol, dumadaan muna sa mga galamay nina Randy, Paula, at Simon ang mga gustong sumali at sila ang pumipili ng mga finalists. Pati ang mga ibang reality show na kung saan ang mga manonood ang mga bumoboto kung sino ang mananalo, nasala na nang husto ng mga judges ang mga pagbobotohan ng mga tao. Ang layunin nito ay gusto rin ng mga organizer na bigyan ng kredibilidad ang kanilang patimpalak. Siyempre, bago ilabas sa publiko ang mga posibleng panalo, lahat sila mukhang karapat-dapat nang manalo. Kundi, magiging katatawanan ang patimpalak at baka mauwi lang ito sa paramihan ng kakilala’t kaibigan. Gusto lang naman sana nating maiwasan na ang manalong entry ay nanalo lamang dahil maraming boto, kahit na walang saysay at nilalaman ang blog. Dahil dito, nangangamba ako sa kalalabasan ng resulta ng judging kung may malaking timbang ang poll. Sayang naman ang pagod ng mga nag-sulat ng mga makabuluhang entry pero hindi nanalo dahil wala sila masyadong mga kaibigang nahikayat na mag-log-on sa pinoyblogosphere.net at bumoto. Baka ang mangyari niyan, masira pa ang pangalan ng pinoyblogosphere.net sa mga susunod pang pa-contest. Sayang naman.
Kung ang mga kalahok ay may mga tungkuling ginampanan sa pagsali sa patimpalak, may mga tungkulin din ang mga organizer. Kung ako po ang tatanungin, malinaw sa ‘kin na kailangang masiguro ng mga organizers na maging fair ang pagpili ng mga panalong entry. At dapat sana’y masunod ang nararapat na criteria ayon sa nakasaad sa website - creativity, originality, writing style, composition and organization, substance & relevance to the theme. Huwag naman sana maging batayan ang popularity ng may-akda; lalo na kung pwede palang doktorin ito.
Malinaw na may kanya-kanyang layunin ang bawat kalahok sa pagsali sa patimpalak na ‘to. Ang iba’y sumali para sa mga papremyo. Mayroong mga sumali para makilala. May mga ibang mahilig lang talaga mag-sulat. Kahit na iba-iba ang ating layunin, alam kong magkakasundo tayo sa iisang bagay – na dapat manalo ang karapat-dapat manalo. May the best man win, ika nga. Kaya naman hinihiling ko sa mga organizer na sana’y pag-aralan nilang mabuti ang kasalukuyang problema. At ako’y nagtitiwala na kung ano man ang inyong maging desisyon, iyon ang nakita niyong makakabuti para sa mga kalahok at para sa patimpalak.






2 Responses to “Kanya-kanyang Layunin at Tungkulin (In response to the Polling issue for Wika 2007)”
Hello! Good Site! Thanks you! isvqioqhinux
[Reply to this comment]
Magandang araw po!
Maganda ang layunin ng timpalak. Sang-ayon ako sa iyong salaysay tungkol sa batayan nito at sana’y bigyan pansin ng mga namumuno ng timpalak. Salamat po.
[Reply to this comment]
Feel free to express your self