Six-month-old fetus found in Malacañang toilet, the Inquirer news article said. And the first question that flashed in my head was, Why? Here are two theories I came up with:
Theory # 1 - The “mother” failed to take her baby to a proper dumping/burial ground
The mother went for an abortion but she had to attend to an urgent matter in the National Executive Building of Malacañang so she had to take the aborted fetus with her and planned to bury it after finishing her work. Struck by guilt and saddled with stress, she realized that she didn’t have the strength to carry her dead baby and so she decided to leave it in the toilet of the buildling.
Theory # 2 - The fetus was (mis)used as a messenger of a depressed and angry mother
The fetus could’ve been left there by a depressed/angry mother to send a message to our government. I’m trying to think of what she was going through and what made her want to leave her aborted baby in Malacanang. Maybe I can help her express her pain through this make-believe letter:
17 January 2008
Sa Aking Pamahalaan,
Naging mahirap sa ‘king tanggapin ang aking pagbubuntis. Mahirap ipaliwanag sa pamamagitan ng salita ang sakit at hirap na ‘king nararanasan. Bakit ba nangyari sa ‘kin ‘to?
Bago ako nabuntis, pumunta ako sa ‘ming health center para magtanong tungkol sa mga bagong paraan ng pagpigil sa pagbubuntis dahil dalawa na ang anak ko. Napagdesisyunan na kasi namin ng asawa ko na tama na ang dalawang anak lalo na’t may kahirapan ang buhay namin. May nakapag-sabi kasi sa ‘king simple’t madali lang ang pag-gamit ng kondom, implants, pill, o iba pang mga kagamitan. Pero sabi naman sa health center, hindi na raw uso ngayon ang mga kagamitang ito at iba pang mga artificial contraception methods dahil mas epektibo na ang natural family planning methods. Ito daw ang programang Responsible Parenthood Movement ni Pangulong Arroyo na kaugnay ng kanyang National Population Policy. Medyo nagulat ako sa pinayo sa ‘kin ng doktor pero naniwala ako dahil doktor siya e. Pinaliwanag niya sa ‘kin ang mga natural methods tulad ng Standard Days Method, calendar method, mucus method at withdrawal. Disiplina at pagpipigil lang daw ang kailangan para hindi magbuntis.
Natuwa rin ako sa sinabi ng doktor na hindi na raw kailangan pang gumastos para sa pills at iba pang mga artipisyal na paraan. At lalo pa ‘kong naniwala sa paggamit ng natural na paraan nang pinaalala ng doktor sa ‘kin na ito ang mga paraang rekomenedado ng Katolikong Simbahan. May basbas daw ng Diyos ang ganitong mga paraan at makasalanan daw ang pag-gamit ng mga artipisyal.
Pag-uwi ko, binalita ko agad sa ‘king asawa ang sinabi sa ‘kin ng doktor at naintindihan niya naman ang aking tinuro. Kaya nga lang, nahirapan kaming sundin ang mga natural na paraan. Hindi kami nakapagpigil noong araw na nag-o-ovulate ako. Kinabukasan, dumeretso ako sa ‘king doktor para magtanong kung anong pwede kong gawin para maiwasan ang pagbubuntis. Sabi niya merong gamot na tinatawag na Postinor 2 o ang “morning-after pill”. Ito raw ay mabisa para hindi matuloy ang pagbubuntis. Kaya lang banned ito sa Pilipinas dahil ito ay nakakapagpa-abort. Pero nabibili raw ‘to sa ibang bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, Singapore, Vietnam, Thailand, US, UK, Australia at sa marami pang bansa kaya lang baka di na umabot pag magpabili ako dahil dapat inumin ito sa loob ng 48 oras.
Makalipas ang isang linggo, naramdaman ko na agad na buntis ako. Nagpa-check-up ako at positibo nga. Binalikan ko ang doktor na nagpayo sa ‘kin ng natural family planning at tinanong ko siya kung anong mga pwede kong gawin. Ang tanging paraan na lang daw ay ang abortion, pero ilegal daw ito sa Pilipinas. Kung gusto ko raw, pumunta ako sa America, Singapore, Vietnam, Cambodia, China, Australia, Germany at iba pang bansa kung saan legal ito. Marami din daw mga clinic dito sa ‘tin kaya lang wala raw siyang pwedeng irekomenda. Tinanong ko kung safe ang abortion dahil balita ko ay may mga side-effects ito. Meron din daw, sabi ng doktor, lalo na’t ilegal ang mga clinic kaya hindi nababantayan. Pero kung makakapunta daw ako sa maayos na clinic, mas mababa daw ang posibilidad na magkaroon ng komplikasyon. Sabi niya pa na sa ibang bansa, parang normal na surgical procedure na lang ang abortion at pagtapos magpahinga ng dalawang oras ng babaeng nagpalaglag, normal na uli ang kilos niya.
Bakit ba naman kasi nabuntis pa uli ako? Ang tanga-tanga ko talaga! Dapat nagpatali na lang ako e o kaya gumamit ng pills o kung ano mang kagamitan.
Nag-isip kaming mag-asawa kung itutuloy ba namin ang pagbubuntis o hindi. Inisip namin ang gastos na kailangang tustusan para sa pagkain, eskwela, damit, at lahat-lahat na. Nakapagtipid nga kami sa ‘di paggamit ng mga kagamitang contraceptive, lumaki naman ang gastos dahil ngayon ay buntis na ‘ko. At lalong lalaki pa ang gastos sa pagpapaanak at siyempre sa pagpapalaki ng anak.
Napagdesisyunan naming mag-asawa na maghanap ng clinic. Papayag akong magpalaglag kung makahanap kami ng magandang clinic. Makalipas ang ilang linggong pagtatanong at paghahanap, may nagdala sa ‘min sa isang abortion clinic. Pinaliwanag sa ‘min ng doktor na nakasuot ng surgical mask na ang abortion ay isang surgical procedure at tulad ng kahit anong surgery, may mga maaaring komplikasyon. At dahil nga ilegal ang gagawin niyang procedure, hindi kami pwedeng maghabol sa kanya. May mga pinapirmahan sa ‘ming dokumento at namili na kami ng petsa.
At nangyari na nga ang ginusto naming mangyari. Simple lang ang operasyon pero dahil nga maraming nagsasabing pinatay ko ang aking sanggol, mabigat sa pakiramdam ko ang ginawa ko at hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako. Pero unti-unti nang nagiging normal ang buhay ko. Tapos na ang pagmumukmok ko tungkol sa nangyari at napatawad ko na rin ang sarili ko sa pagkakamali sa pagpili ng natural family planning methods.
Nang matapos ang lahat, may mga katanungan lang sana ako sa ‘king pamahalaan. Bakit ba ayaw nang mag-alok ng mga health centers ng pamahalaan ng mga paraang mas epektibo kaysa sa natural methods? Sana mag-alok din sila ng mga alternatibo at epektibong pamamaraan na gumagamit ng mga teknolohiya’t kagamitan. Bakit ba kailangang ipasunod sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas ang kagustuhan ng Simbahang Katoliko tungkol sa birth control? Hindi naman lahat ng Pilipino, Katoliko ha. O baka naman tinitipid lang tayo ng gobyerno at ginagamit lang nilang dahilan ang simbahan? Nahihirapan akong tanggapin na wala ni isang ekonomista sa pamahalaan ang nagsasabing kailangang kontrolin ang pagdami ng ating populasyon para umasenso ang ating bansa.
Binabalik ko sa inyo itong sanggol na ‘to. Tapos na ‘kong sisihin ang sarili ko at kayo naman ang dapat mag-isip-isip ng inyong kinalaman at pananagutan sa ‘king pagbubuntis. Gawin niyo naman sana ang trabaho niyong gabayan ang mga mamamayan tungkol sa mga epektibong contraception methods.
Binabalik ko sa inyo itong sanggol na ‘to. Ito ang aking paraan para ipaalala sa inyo na kami’y apektado sa mga desisyong ginagawa niyo. Huwag na nating pagtalunan kung sino ang tama sa mata ng opisyal ng simbahan. Isipin na lang natin kung alin ang mas makabubuti para sa nakararami at para sa bayan.
Binabalik ko sa inyo itong sanggol na ‘to. Sinasabi niyong hindi konstitusyonal ang ginawa kong pagpapalaglag dahil kailangan nating ipagtanggol ang karapatan ng sanggol mula sa pagkabuo nito. Pero sa tingin ko, hindi rin konstitusyonal ang ginagawa niyong pagsunod sa kagustuhan ng simbahan na huwag gumamit ng artificial contraception. Republic of the Philippine Catholic Church na ba tayo ngayon? Nasaan na ang pagsunod sa separation of church and state na nakasaad sa ‘ting konstitusyon?
Binabalik ko sa inyo itong sanggol na ‘to. Kagagawan niyo ‘to.
Sumasainyo,
Gina N
===
Recommended Reading:
1. Natural Family Planning (including Lactational Amenorrhea Method and Withdrawal)
2. Pro-Life Victory As Philippines Bans ‘Morning-After Pill’, Patrick Goodenough, CNSNews.com, January 08, 2002.
3. Summary of Abortion Laws Around the World
4. Population Policy in the Philippines, Alejandro N Herrin, Philippine Institute for Developmental Studies, September 2002
5. Struggling Filipinos Denied Family Planning Options, Michael Sullivan
6. PCIJ: Church’s gain in population policy is women’s loss, GMA News, Aug 14, 2007
7. President and Family Planning, PCIJ, Aug 13, 2007
8. Manila bishop lays down battle lines on birth control, GMA News, Aug 5, 2007
9. Family planning flip-flop costs P840m, Christine F. Herrera, Manila Standard Today, Feb 23, 2006
10. PGMA to issue gov’t position on family, population and women’s right soon
11. Philippines President Acknowledges Pro-Life Archbishop is Her Advisor, Mar 13, 2006
12. NO BUYING OF ARTIFICIAL CONTRACEPTIVES, PCIJ, Aug 13, 2007
13. Forum for Family Planning & Development







2 Responses to “Who Left the Fetus in Malacañang and Why?”
[..] I think the fetus was planted by… [...]
[Reply to this comment]
[...] Now that Lito Atienza is out of the office, poor women from three communities have joined together to fight in the Court of Appeals to revoke Atienza’s law that bans condoms and pills[...]
[Reply to this comment]
Feel free to express your self