sigawngbayan.jpg

Itinuturo ng katuwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katuwiran na tayo’y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ng katuwiran na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang isip at nang tayo’y magkaisa na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan. Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon ay panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang ani na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan…

… Kaya, O mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawaan ng bayang tinubuan.

- Gat Andres Bonifacio [2]

===

My countrymen,

Let’s follow the command of our Supremo! A command that was given to us over a hundred years ago. In his message, he reminds us that we should willingly offer and give our intellect, skills and strength to ensure the success and prosperity of our Motherland.

Clearly, the success of our nation cannot happen under the present administration headed by President Arroyo. It’s true that the corruption cases against the government have yet to be proven in the court of law. It might also be true that the accusations may be false. But let’s keep in mind that public service is a public trust.

Ever since the Hello Garci scandal was reported by the media, the people have lost faith and trust in President Arroyo. But she asked for forgiveness and she promised that she will double her efforts to prove herself worthy. And so the public forgave her and we gave her another chance.

But after seven years of serving as President, we’ve had enough. Her seven years in power have been filled with graft and corruption cases.[3] These include the following: IMPSA bribery (P560M), Diosdado Macapagal Blvd. overpricing (P560M), Piatco-Airport Terminal extortion (P800M), Jose Pidal account money laundering (P304M), US properties (P284M), Fertilizer scam (P728M), North Rail Commission (P200M), Jueteng collections (P400M), Congressmen handouts (P160M), and the hottest one is the $329 national broadband network (NBN) contract. There’s just too many reported instances of corruption. It is annoying. It is troubling. It is an outrage!

The first one to testify against the Arroyo administration was Rodolfo “Jun” Lozada Jr or J-Lo as people fondly refer to him. I hope there would be more people like him who will come forward and provide evidence against the government. We need more people to convince the public that we should ask for Arroyo’s resignation. When Congressman Jose De Venecia was ousted as Speaker of the House, he said that he will join the opposition and reveal the ills of the government. Could he be the next star witness of the Senate?

Various sectors are organizing numerous protest actions to be held in the coming days. From leaders who only want the truth to come out to leaders who are calling for Arroyo’s resignation, they have linked up and called for a public outcry. Their aim is to enlighten the people and they have lined up several events, from small-scale activities like masses, symposia, concerts and meetings, to mass protest actions that involve rallies, marches and demonstrations.

Let’s heed our Supremo’s call! Let’s join him in saying, “Now’s the time for the light of truth to shine.”

===

Mga kababayan,

Sundin po natin ang utos ni Supremo. Utos na kanyang ibinigay sa ‘tin noon pang 1896. Sa kanyang mensahe, pinapaalala niya na dapat nating kusang-loob na ialay ang ating talino, galing at lakas para magtagumpay at guminhawa ang ating Inang Bayan.

Ang kaginhawaan pong ito ay malinaw na hindi na natin makukuha mula sa gobyernong pinamumunuan ni Pangulong Arroyo. Totoong hindi pa natin napapatunayan sa harap ng batas ang mga katiwalian at korupsyon sa pamahalaan at maaari nga namang hindi totoo ang mga nasabing akusasyon laban sa administrasyong Arroyo. Subali’t ating tandaan na ang responsibilidad na magserbiyo sa publiko ng pamahalaan ay nakabatay sa tiwala na ibinibigay ng taong-bayan.

Mula noong lumabas sa media ang skandalong Hello Garci, nawala na ang tiwala ng taong-bayan kay Pangulong Arroyo. Subali’t humingi ng tawad ang ating pangulo at nangakong sisikaping pagbutihin ang kanyang pamumuno. Kaya naman minabuti nating patawarin siya at bigyan ng isa pang pagkakataon.

Pitong taon na pong nanunungkulan bilang Pangulo si Gng. Arroyo. Pitong taong punung-puno ng mga balitang katiwalian.[3] Ilan po sa mga ito ay ang IMPSA bribery (P560M), Diosdado Macapagal Blvd overpricing (P560M), Piatco-Airport Terminal extortion (P800M), Jose Pidal account money laundering (P304M), US properties (P284M), Fertilizer scam (P728M), North Rail Commission (P200M), Jueteng collections (P400M), Congressmen handouts (P160M), at ang pinamakainit ngayong kaso na $329 million na kontrata para sa NBN project. Parang napakadami naman po nitong mga katiwalian na ito. Nakakabagabag! Nakakapangamba! Nakakapang-galit!

Nauna nang tumestigo laban sa administrasyon ni Pangulong Arroyo si Rodolfo “Jun” Lozada Jr o J-Lo kung pabirong tawagin ngayon ng mga tao. Sana’y may mga sumunod pang mga testigo na may mga ebidensya para lalong makumbinsi ang publiko na dapat na nating hingin ang pagbibitiw ni Pangulong Arroyo. Nabanggit ni Congressman Jose de Venecia noong natanggal siya sa pamumuno ng Kamara na sasali na siya sa oposisyon at marami siyang isisiwalat na bagay tungkol sa mga kasamaan ng kasalukuyang administrasyon. Siya na kaya ang susunod na magiging star witness ng Senado?

Maraming mga inoorganisang kilos-protesta nitong mga darating na araw. Mula sa mga lider na nag-aasam lang ng katotohanan, hanggang sa mga pinunong nais nang pagbitiwin si Pangulong Arroyo, silang lahat ngayo’y nakikipag-ugnayan na sa isa’t isa. Sari-saring programa ang kanilang hinahanda para mamulat ang lahat ng taong-bayan. Yong mga kababayan nating hindi pa handang sumali sa mga malawakang kilos-protesta ay pwede namang sumali sa mga maliliit na misa, symposium, concert, at pagtitipon.

Sundin po natin ang utos ni Supremo. Samahan po natin siya at isagaw, “Ngayon ay panahon na para lumitaw ang liwanag ng katotohanan.”

===

Notes:
[1] Image credit: http://www.hawaii.edu/cps/bonifacio.jpg
[2] Bonifacio, Andres. “ Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog,” Kalayaan, 18 January 1896.
[3] GMA’s $164.7 million “loot” no match to Marcos’s $10 billion, Newsbreak.com.ph, 13 Dec 2007

 

Email This Post Email This Post       Print This Post Print This Post